STAR na star na naman ang Kapamilya youngstar na si Maymay Entrata sa Middle East!
Pagkatapos nga niyang gumawa ng ingay last year sa ginanap na Dubai Fashion Week bilang isa sa mga Asian models na rumampa sa runway, isa na namang bonggang proyekto sa larangan ng fashion ang i-pinagkatiwala kay Maymay.
Siya lang naman ang napiling maging cover girl ng UAE-based magazine na XPedition Middle East para sa spring 2019 issue nito.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng PBB Lucky Season 7 big winner ang mga litrato niya sa nasabing glossy magazine, kabilang na riyan ang pinaka-cover nito kung saan bumandera nga ang kanyang napakagandang pictorial.
Narito ang caption ni Maymay sa kanyang mga IG photo, “To all the people who made my dreams come true, not just here in the Philippines but also in Dubai.
“To all the the people who showed me that fairytales e-xist… Thank you. Thank you po for the experience of being part of @xpeditionmagazine @amatoofficial Family, it will be forever something I treasure,” aniya pa.
Ayon sa Xpedition, exclusive nilang kinunan at i-ninterbyu ang dalaga sa tinaguriang Dubai’s “most luxurious address”, ang Palazzo Versace. Inilarawan din ng nasabing magazine si Maymay bilang “new global fashion icon.”
Narito naman ang ilang komento ng mga IG followers ng ka-loveteam ni Edward Barber.
“Congrats po Sir @josh_yugen napakaganda po ng mga kuha ni @maymay at si Lord po laging nandyan para po bless kau sa lahat ng ginagawa nyo po. More blessing sa inyong 2 ni Edward!” ayon kay @cathysweet31.
Sey naman ni @maybelle.esperanza, “To God be the glory @maymay at sa lahat ng nasa likod nito…sa inyo pong lahat thank you very much. Alam ko hindi lang yan Maymay marami pang kaabang abang. I feel it kc karapat dapat ka. We love you and we will pray for you!”
Ito naman ang comment ni @jenny_0007_2000, “Korec sis basta bantayan na lang natin baby girl natin kc sobrang mahal namin ang model ng buhay namin. Gogogo lang!”
Chika naman ni simply_khryss, “A real deal. A living doll. You’re soooo pretty @maymay. Hastang gwapaha gyud as in!”
Hirit ni @maywardfanatics_06, “A beautiful soul @maymay…I continue to support you my own way as your avid fan… di matatawaran ang iyong tunay na kagandahan May.”
“Matalinong bata/tao c Maymay but need pa rin nya mga advice and pray natin para laging maremind pa rin sa isip nya un mga dapat plan nya sa buhay dba?” sey naman ni @jenny_0007_2000.
q q q
Para kay Edward Barber, dapat daw araw-araw ay Valentine’s Day. Naniniwala ang binata na everyday is a special day para sa dalawang taong nagmamahalan.
“You should always treat her well, and maybe it’s okay to do a little bit all out. But don’t bring the standard so high that the day after, February 15th, the girl is still thinking if you still love her. Be constant. It’s not a sprint, it’s a marathon,” ani Edward sa isang panayam.
Dagdag pa niya, “Treat the girl special every day, treat her like she’s a queen every day. But also, have that separate from your relationship to family, your relationship with God, your goals, and your friends.”
Ganito rin kaya ang paniniwala ni Maymay tungkol sa Araw ng mga Puso?