Lantarang pagsuporta ni Sarah G. sa kandidatong senador binatikos


FOR many, hindi nila nagustuhan ang lantarang pagsuporta ni Sarah Geronimo sa reelection bid ni Sen. Sonny Angara.

In fairness, dyinastifay naman ng Pop Princess ang kanyang pro-Angara stance na malaki ang naitulong sa kanya.

The first to rise up in arms ay mga naturingan pa manding fans ni Sarah, kabilang ang masang Pinoy na pinagdurusahan ang mabigat na pasanin dulot ng TRAIN Law, kung saan isa ang mambabatas sa mga sumang-ayon sa pagpa-patupad nito (the others being Poe, Villar, Pimentel, among others).

Ang pagtaas—at patuloy na pagtaas—ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin ay direkta nga namang nakakaapekto higit lalo sa mas nakakarami nating kababayan.

“Palibhasa celebrity kasi si Sarah, malakas kumita kaya ano naman sa kanya kung umabot man hanggang TRAIN Law 10 ang aprubahan ng paborito niyang senador?” reklamong narinig namin mula mismo sa isang diehard Sarah fan.

Hindi lang ang simpatikong mambabatas ang puntirya ng mga tagahanga ng singer-actress, nilalahat na nila ang mga kabaro nito sa Senado who are anti-poor.

Lesson learned ito para sa iba pang celebrities who are vocal about their choice or choices sa kung sinong pulitiko ang susuportahan nila. While this is a nation where freedom of political expression should not be curtailed, reflective ang kanilang pagpili sa paniniwala’t prinsipyo nila.

Read more...