Jo Berry kumasa sa hamon: nag-elevator girl

ALIW na aliw ang mga empleyado at staff ng Kapuso Network nang biglang tumambad sa kanila ang Onanay lead actress na si Jo Berry sa loob ng service elevator ng GMA building.

Kumasa kasi si Jo sa hamon na maging elevator girl sa GMA at in fairness, nagawa naman niya nang mabuti at maayos ang kanyang trabaho. Tuwang-tuwa naman ang mga Kapuso employees na sinerbisyuhan ni Jo with matching pa-selfie pa sa loob ng elevator.

Naging pasahero rin niya ang kanyang Onanay co-star na si Kate Valdez kaya sinamantala na nila ang chance na makapagpa-picture rin sa habang umaandar ang elevator. Ano pa kayang hamon ang ipagagawa kay Jo sa mga susunod na araw? ‘Yan ang inyong abangan.

Samantala, hinahangaan naman ng Kapuso viewers ang pang-best actress na pagganap ni Mikee Quintos sa well-loved Kapuso primetime series na Onanay.

Lutang na lutang din kasi ang husay sa pag-arte ng Kapuso star sa top-rating primetime serye ng GMA. Kaya ngayong nasa bingit na naman ng kapahamakan sina Onay (Jo Berry) at Maila (Mikee), pati ang mga netizens ay nag-aalala rin sa sitwasyon ng mag-ina.

Ayon sa Twitter user na si @Sweetmaiden7, “Nasa bintana na yung mga kapitbahay namin! Kinakabahan sa episode! Lakas maka-atake sa puso! Pero Maila ang galing galing mo talaga!”

Sey naman ng isa pang adik na adik sa Onanay, “Sana huwag munang tapusin, napakarami pa naming naiisip na pwedeng mangyari kina Helena (Cherie Gil) at Nata-lie (Kate) para ma-kaganti naman sina Onay at Maila! Extend pa more!”

Todo abang din ang mga manonood sa episode kung saan mabubunyag na ang sikreto ni Lucas (Wendell Ramos) na isa siya sa mga suspek sa panggagahasa kay Onay na nagresulta sa pagkakasilang kay Maila.

Makaligtas nga kaya mula sa masasamang kamay sina Onay at Maila? Ano ang mga susunod na hakbang ni Helena para tuluyang makuha muli si Natalie? Huwag palampasin ang mas tumitindi pang mga tagpo sa Onanay pagkatapos ng Cain At Abel sa GMA Telebabad.

Read more...