Gretchen walang magawa kaya pinagtripan si Kris


KUNG  ang kakapusan ng utak is bad, an idle mind is even worse.

Such is the collective take on Gretchen Barretto’s taking a swipe at Kris Aquino, na sini-mulan niya sa patutsadang, “No to bullies, no to power tripping” bilang pagkampi sa kaaway nitong si Nicko Falcis.

Sinundan pa ito ni Gretchen ng spoof sa kanyang social media account playing hostage taker to a woman victim with matching dayalog hango mula sa mga mapagbantang salita ni Kris kay Nicko in their phone convo.

As if to end talks as to her motive sa likod ng pambubuwisit at pang-aasar kay Kris ay ibi-nunyag lahat ni Gretchen ang puno’t dulo ng lahat. And take note, Gretchen posted her IG story at dawn.

Madaling araw ‘yon kung kailan kasarapan ang tulog ng sinuman except for call center agents on graveyard shifts. Dis-oras na ng umaga, up and about pa si Gretchen? Okey lang sana kung nagpapaantok siya watching her old Seiko trash films which should sedate her!

Kaso, what kept Gretchen awake during those ungodly hours ay ang matagal na palang kuwento tungkol sa BIR problems ng kaibigan niya na tinulungan ni Kris. Eh, matagal na pala ‘yon, bakit ngayon lang niya isiniwalat kung paanong ‘yung death threat kay Kris ay nito rin lang ibinunyag ni Nicko after a couple of months?

Nakakatawa namang ang pagpo-post ng mga kung anu-ano ni Gretchen—involving herself in an issue which doesn’t concern her at all—ay nahahanapan niya ng panahon.

We have yet to hear the netizens’ positive comments tungkol sana sa mga kitchen hacks ni Gretchen like baking a cake, preparing a nice pasta dish, or simply concocting a healthy juice extracted mula sa mga sari-saring prutas finding their way into the blender.

Kunsabagay, what is Gretchen busy with? May regular TV show ba siya? Is she currently doing a film showcasing her ham acting? Waley!

Kung havey, walang puwang ang pagkakaroon ng isang idle mind, lalung-lalo na ng utak which is only fit for tribal (or tri-vial?) wars.

Read more...