Hamon kay Kim Henares: Kasuhan si Gretchen sa ikinalat na ‘fake news’

GRETCHEN BARRETTO

Supalpal si Gretchen Barretto sa resbak ni dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares matapos akusahang nag-ayos ng tax problem ng kaibigang negosyante ni Kris Aquino.

Ayon kay Gretchen si Kris daw ang kumausap kay Henares para pababain ang milyun-milyong tax na dapat bayaran ng kaibigan nito na nangyari noong nakaupo pa sa Palasyo si former President Noynoy Aquino.

Sa Facebook ipinost ni Henares ang sagot niya sa akusasyon ni Gretchen. Aniya, “The allegations of Ms. Barretto that people can come to me and fix their tax problem without paying the right amount is straight out of a comedy script.

“It is a well-known fact that not even my own family enjoyed any preferential service or treatment, much to their disappointment. I strongly suggest that Ms. Barretto apply more restraint and thoughtfulness in her statements.”

Ilang netizens naman at supporters ni Kris ang nagkomento na dapat kasuhan ni Henares si Gretchen dahil sa ipinakakalat nitong fake news. Dapat daw turuan ng leksyon ang aktres para hindi na magpakalat ng kasinungalingan.

Pero may mga supporters naman si Greta na nagsabing hintayin lang daw nina Kris at Henares ang mga susunod pang pasabog ni Gretchen dahil naniniwala sila na hindi ito magsasalita kung wala siyang hawak na ebidensya. Sagot naman ng fans ni Tetay, “Bring it on!”

Read more...