Sylvia Sanchez was fuming mad over a basher who claims na ginagamit ng anak niyang si Arjo Atayde si Maine Mendoza.
Hindi pinalampas ni Sylvia ang patutsada ni @MengSinag sa kanyang anak who said, “Maine got her
Fame in a very humble and simple beginnings which makes her phenomenal today. Kahit sino masasaktan sa ginawa ni Arjo na kasinungalingan. Kung ako ang nanay po ni Maine, il never let Maine on your lane esp. To your son Arjo.”
Agad-agad itong sinagot ni Sylvia ng, “Anong kasinungalingan ang ginawa at sinabi ni Arjo? Alam mo ba ang buong pangyayari? Kung may mga tanong ka at gusto mong marinig lhat ng sagot sa mga tanong mo, tara! Makipagkita ka bukas, usap tayo!
“Ako mismo ang sasagot sa lahat ng mga gusto mong malaman.”
May isa pang basher, @cutegirlo2, ang kumuda and said, “WALANG BASTOS KUNG WALANG GINAGAWA NA IKAKABASTOS SA KANILA. KUNG D NILA GINAGAMIT C @mainedcm HAYAAN NA LANG KUDA NGA NG KUDA.”
Sylvia didn’t take it sitting down and she retorted, “Isa ka sa hihintayin ko bukas ha! Ilabas mo ang tapang mo bukas, 7pm resorts wrld coffeeshop maxim. At pakilabas mo mukha mo dito sa account mo, wag magtago!! Para makilala din kita!!!”
Grabeng makapanglait ang AlDub fans, right? Talagang wala silang sinisino. Lahat na lang ay sinisiraan nila. Hindi nila ma-take na hindi niligawan ni Alden si Maine. Talagang nabubuhay sila sa ilusyon na magkakaroon ng romantic something between Maine and Alden.
Wasn’t it three years ago that we said, with finality, ha, na loveteam is all there is to Maine and Alden.
Ayaw n’yong making, ayan tuloy ang napala ninyo. Sinabi na ni Maine na friend lang siya ni Alden, ayaw n’yo pa ring maniwala. Ayan, basag na basag tuloy kayo sa pag-amin ni Arjo na exclusively dating sila ni Maine.
We’ll say this one last time. Hindi type ni Alden si Maine. Hindi siya ang tipo niya. Iba ang type niya. ‘Wag nga kayong ano!!!