IKINAKASA na ang bagong pasabog ni Maine Mendoza matapos ang very successful collaboration niya sa isang global brand ng cosmetics para sa sarili niyang lipstick shade na inilabas last year.
Mabentang-mabenta ang lippie shades na tinimpla ni Meng kaya naman ang Team PH ng brand, ipinarating sa manager niyang si Rams David ng Triple A, ang isang note para magpasalamat sa successful project nila with the Phenomenal Star.
“We are all happy and overwhelmed with all the support the partnership received. It’s definitely a proud Filipino moment,” bahagi ng note na ipinost ni Ram sa kanyang Instagram.
Saad pa sa note, “bigger things will come” sa kanilang partnership.
Sa totoo lang, tinagurian ng Sold Out Queen si Maine dahil sa nasabing project dahil hindi lang ito sa bansa na-sold out kungdi maging sa international branches ng cosmetics brand, huh!
Kahit kalat na kalat na ang pagdi-date nina Maine at Arjo Atayde, suportado pa rin siya ng kanyang loyal fans. At hoping pa rin sila sa muling pagtatambal niina Maine at Alden Richards.
Ayon sa tweets ng ilang supporters ni Maine, wala silang pakialam sa personal life ng idolo. Mas mahalaga pa rin sa kanila kung paano sila napapaligaya at nai-inspire ni Maine to do good sa kanilang mga buhay.