MARIEL napagkamalang terorista sa AMERIKA; Pati si ROBIN nadamay

NAKIPAG-APPOINTMENT kami kay Mariel Rodriguez-Padilla noong Huwebes ng hapon pagkatapos ng hosting stint niya sa Wowowillie para maliwanagan ang tsikang na-hold siya nang ilang oras sa Immigration ng John F. Kennedy International Airport sa New York.

Pumunta sa Amerika ang TV host-actress para nga makita at alagaan ang amang inoperahan.Bagamat seryoso ang nangyari sa asawa ni Robin Padilla ay nagawa pa rin daw niyang maging cool habang kaharap ang US embassy officials.

“Na-hold ako for almost three hours? Wala naman silang sinabing grounds, nakakatakot kaya. “Nu’ng nag-land na kami sa New York, bumaba na ako, tapos may tumatawag ng, ‘Maria, Maria Padilla!’ sabing ganu’n.

Sabi ko naman, ‘Me, that’s me!’ Tapos kinuha nu’ng babae ‘yung trolley ko, sabi ko sa sarili ko, wow, ang sosyal ko naman, kasi tinulungan niya ako, tapos hindi pa agad binuksan ‘yung pintuan ng plane hangga’t wala pa ako doon sa dulo (ng bababaan), sobra akong VIP, paglabas ko, may dalawang US marshals, tapos sabi sa akin, ‘May I see your passport?’ Tapos ibinigay ko, and then sabi sa akin, ‘You come with us.’

“Kaya tinanong ko, sabi ko, ‘Excuse me, is there something wrong?’ Kasi nagulat talaga ako at may papel silang hawak na nandoon ‘yung name ko.

“At three hours delayed ang flight ko, hinintay talaga nila ako, sabi nila, ‘Ah, you’re just random like this.’ Ang ramdom ay ibig sabihin doon, mukha kang T (terorista), ‘yun ang random para sa akin na nakita ka nila, suspicious looking ba,” dire-diretsong kuwento sa amin.

Baka naman may kinalaman kay Robin Padilla ang pagkaka-hold niya dahil nga hindi pa rin nabibigyan ng US Visa ang aktor?
“Alam mo, nagpunta rin kami rati kasama ang Will Time Big Time, Padilla na rin naman ang surname ko, wala namang nangyari? Pero okay na rin na ngayon nangyari na private trip ko kasi kung hindi nakakahiya dahil maraming makakakita,” aniya.

Tinanong din daw si Mariel kung mag-isa siya sa biyahe, “Tinanong nila ako, ‘Are you alone?’ E, nataranta na ako, sabi ko, ‘Yes, but I’m also with my sister and her husband.’ At kinuha ang passport ko. Sabi nila we have to wait for the…we’ll let them know.’

So ibig sabihin, hindi kasama ang ate ko (sa iho-hold), e, ang ate ko, ‘yun ang number one niyang greatest fear, talagang takot siya. “Kasi dati green card holder siya tapos ginib-ap na niya, basta praning siya talaga.

So hinintay kong lumabas si ate, at iniisip ko, paano ko sasabihin na hindi siya mapapraning, tapos finally nakita ko na siya, at ‘yung pinaka-malaki kong smile sabi ko, ‘Ate, hinihintay nila ako (marshals), sinundo nila ako.’ Tapos habang naglalakad siya at nakikita na niya ako, naisip daw niya, ‘Ano ba naman itong si Mariel, bakit nakikipag-usap pa.’ Kasi alam niyang alam ko na takot siya.

“So, sina ate kinuha rin ang passports tapos pinag-finger print sila kasi ganu’n na lahat ng pumapasok. Tapos nu’ng ako na ang magpi-finger print, sabi nila, ‘Oh, you don’t have to do that.’ Sabi ko, ‘Why?’ Sabi sa akin, ‘You’re special.’

“Kaya sabi ko kay ate, ‘Ate, ide-deport yata ako, kasi bakit hindi nila ako fininger print? Kasi natakot ako, bakit hindi ako kasama, tapos ‘yung kuwarto pa na pinasukan namin, e, nakalagay, US homeland security.

Tapos ‘yung mga taong na-hold din, parang mga T (terrorist) ang itsura. “Tapos pinakuha ‘yung mga bagahe namin, sabi ni ate, ‘Kaya pinakuha ang maleta natin kasi pauuwiin (Pilipinas) na tayo.’ Sabi ko, naku, pinost-post ko pa naman na pupunta ako ng New York, tapos made-deport pala ako?

Nakakahiya, ini-expect ng mga tao!” humahalakhak na kuwento ng TV host.Nakakaloka talaga itong si Mariel, mas concerned pa siya sa mga post niya sa Instagram.

Pagpapatuloy ng TV host, hindi naman daw siya hinaras ng mga marshall, “Tapos kinausap na ako (Immigration officer), mabait naman tapos sabi niya, ‘I’m going to ask you series of questions and we’ll see from there.’ Sinagot ko lahat ng tanong niya, tinanong niya kung anong ginagawa ko sa Pilipinas, bakit wala ako sa Amerika, kasi nga American Citizen ako, di ba?

“So tinanong nila ako, bakit nandito ako (Pilipinas), kung anong ginagawa ko, sabi ko, ‘I’m a TV host for a variety show. E, hindi ko ma-explain na game show kasi kung nasa ABS pa sana ako, puwede kong sabihin na, ‘you know Big Brother?’

“Tapos tinanong kung, ‘when was the last time you went home (US), sabi ko last year, about a year ago.’ Tapos sabi nila, ‘From that time to now, where have you gone?’ Iniisa-isa ko lahat ng pinuntahan ko, e, di ba nag-Europe ako nu’ng Pasko.

Nilagay nila ilang araw ako nag-stay doon at kung anong hotel, anong pakay ko at kung first time ko at kung may kinausap ba ako at kung nag-wire (money transfer) daw ba ako ng pera, akala yata nila financier ako.

Buti na lang naalala ko lahat ng mga hotel at kung ilang araw ako. “Tapos tinanong nila ako kung may laptop daw ba akong dala, sabi ko wala, ito lang IPhone ko, tapos hiniram nila, ay may tracking device na sigurong inilagay, for sure.

Tapos tsinek nila lahat ng maletang dala ko, e, ‘yung isang maleta ko pa naman lahat pasalubong ko sa dad, may merengue, pulvoron, cornics, alam mo, lahat nilamutak nila, inamoy-amoy, isa lang ang alam nila ‘yung ensaymada, parang nakakita na sila no’n dati.

“Mabuti na lang wala akong dalang mga daing, bagoong, imagine kung mayroon, nakakahiya, buti na lang pulvoron,” tumatawang paglalarawan pa ni Mariel sa nangyari sa kanya.

At ang huling hiniram kay Mariel ay ang handbag niya, “Sabi sa akin, ‘Can we see your bag?’ Sabi ko naman, sure kasi wala naman akong itinatago.

“E di ibinigay ko, tapos sabi, gusto niyang tingnan ang bag kong maraming nakakakita, which is tama kasi baka nga isipin ko nilagyan ako ng alam mo na o hinarass ako.

“Heto na, nakita ang wallet ko, e, di ba wala akong driver’s license kasi hindi ako marunong mag-drive? Tapos may nakita, sabi, ‘What’s this?’ Hinawakan niya at nabasa na, (ID na isyu ng Camp Crame), ‘Oh, you own a gun?’ E, may permit to carry pa na nakalagay.

“Kaya talagang mas lalo akong nataranta kasi nga di ba, pinagdududahan ako, so sabi ko na lang, ‘That’s a gift.’  “Tinanong ako kung sharpshooter ako, sabi ko, ‘No! I’ve only fired it once.’ Tapos tinanong ulit ako ng, ‘Why do you have a gun?’ Ang normal na tao, sasabihin, for protection.

Ang Mariel, ang sinabi, ‘My husband is into guns.’ So, sabi nila, ‘Oh really! He’s into guns?  He’s a lot of guns? How many guns does he have?

“Sabi ko, ‘I don’t know how many, all I know is, he has a .45 (caliber), he’s in the movies, he’s an action star, I’m married to an action star.’ E, yun naman talaga ang totoo, di ba?  Inamin ko na.”
(May karugtong bukas)

Read more...