Kahit na anong gawing pagtitimpi ni Angelica Panganiban, hindi pa rin niya talaga mapigilan ang mapikon at gumanti sa mga nang-ookray at nanggugulo sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz.
Ayaw kasing tumigil ng mga bashers nila sa Twitter, tuluy-tuloy pa rin ang pangha-harass sa kanila ni Lloydie. May mga nagsasabing huwag daw magpakasiguro si Angelica dahil darating din ang araw na pagsasawaan din siya ni John Lloyd at iiwan din siyang luhaan.
May nabasa naman kaming tweet na nagsabing tigilan na nila ang pag-eemote na mahal nila ang isa’t isa dahil halatang naggagamitan lang daw sila.
Kaya sa Instagram account ng aktres, nag-post siya ng picture nila ni Lloydie na may caption na, “Helloooooo!!! Are guys happy or feelin’ being a hater? Were used to it!! Hahahaha!
We invested sooo much happiness…So please make sure, we’ll get affected sa mga haters :)”