Angelica, Carlo niloloko lang ang publiko | Bandera

Angelica, Carlo niloloko lang ang publiko

Bandera - January 27, 2019 - 12:10 AM

CARLO AQUINO AT ANGELICA PANGANIBAN

MAGKAKAIBA ang reaksyon ng netizens sa bagong paandar at pakilig ng ex couple na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Sa Instagram Story kasi ni Angelica kahapon, nagkatuksuhan sila ni Carlo tungkol sa kanilang relationship hanggang sa mag-set na nga sila ng petsa para sa kanilang date.

Ngayong araw nakatakda ang kanilang “date” na siyang napiling petsa ni Carlo para magkaroon naman sila ni Angelica ng “quality time.”

Bahagi ng usapan ng dalawa, “Kapag ba niyaya kitang lumabas, pumayag ka na. Ayain kitang lumabas, date-date ganoon,” ang sabi ni Carlo sa kanyang ex-girlfriend.

Tinanong naman ni Angelica kung ano ang reason ni Carlo sa pag-iimbita sa kanyang mag-date, “Lalabas lang tayo, yayain lang kita, quality time,” tugon ng aktor.

Tinanggap ng aktres ang invitation ni Carlo at sa huling bahagi ng IG Story ng dalaga, muling humirit ang aktor ng, “Game ha, January 27,” na sinagot naman ni Angelica ng, “Basta kakain (lang), game.”

Nitong nakaraang Biyernes, sa Instagram story naman ni Carlo, mapapanood ang panunukso ni Angelica kay Carlo habang kumakain. Sey ni Angge, “Akala ko ba mag-de-date tayo? Tagal ng (January) 27 e.” Na sinagot ng aktor ng, “Hintayin na lang natin (mag-January) 27.”

Bukas na ang nakatakdang pagde-date ng dalawa kaya hintayin na lang natin ang susunod na kabanata.
In fairness, maraming netizens ang kinilig sa bagong video nina Carlo at Angelica at nagsabing sana nga ay tuluy-tuloy na ang magandang samahan uli ng dalawa. Pero meron ding nangnega at nambasag ng kanilang trip.

Feeling kasi nila, niloloko at pinasasakay lang nina Carlo at Angelica ang kanilang mga fans. Pagkatapos kasing mag-post ng mga hugot ang aktres nitong mga nakaraang araw heto ngayon at may date na naman sila ni Carlo.

Sey ng isang netizen, “Akala ko ba hindi na siya makikipagkita kay Carlo? May sinasabi pa siyang lalayo na siya para sa kasiyahan ng mga taong kontra sa relasyon nila? Tapos ngayon, may ganyang drama?

Ano to lokohan?”

Komento ng isang fan ni Carlo, “May pa move on move on pa siyang nalalaman? Humingi pa ng suporta sa mga tao para mabilis siyang makalimot? Echoserang palaka!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan ay kumalat ang mga litrato ni Carlo sa social media na may kasamang babae na isa raw model at balitang dine-date raw ngayon ng binata. So, ano nga ba talaga ang totoo at ilusyon lang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending