Bashers ni Arjo isa-isang hinamon ni Sylvia: Sobra na kayo! Sige, magkita-kita tayo!

ARJO ATAYDE AT SYLVIA SANCHEZ

ISA-ISANG hinamon ni Sylvia Sanchez ang mga bashers ni Arjo Atayde na galit na galit sa pag-amin ng binata sa “exclusively dating” status nila ni Maine Mendoza.

Hindi na nakapagpigil ang nanay ni Arjo kaya siya na ang sumagot sa mga paratang at malilisyosong akusasyon ng mga netizens, na karamihan ay mga fans nina Maine at Alden Richards.

Banat ng isang netizen (@MengSinag) kay Sylvia, “Maine got her Fame in a very humble and simple beginnings which makes her phenomenal today. Kahit sino masasaktan sa ginawa ni Arjo na kasinungalingan. Kung ako ang nanay po ni Maine, il never let Maine on your lane esp. To your son Arjo.”

“Oo ina ako at naiintindihan ko ang sinasabi mo, naiintindihan ko si (Maine Mendoza) (Arjo Atayde) naiintindihan din kita @TheFaulkersons at (naiintindihan) ko din nararamdaman ngayon ng ina ni maine, halika! Usap tayo, bilang mga ina, bukas (mamayang gabi) kita tayo, Maxim Resorts World coffee shop 7pm,” ang matapang na sagot ng award-winning actress.

“Sobrang galit sa puso mo, sobra mo kami kung sinuhin at laitin!!! Tara! Sama ka!! Bukas kay @TheFaulkersons usap tayo!! Tao sa tao!! 7pm resorts world Maxim Coffee Shop, hintayin kita ha!” sabi pa ni Sylvia.

Ito naman ang tugon ni @MengSinag sa hamon ng aktres, “Im not from Manila maam. No need for personal meet ups. I believe that if you are a good person u dont have to prove to anyone who you are. ACTION speaks louder than words.”

Resbak naman ni Sylvia, “Yes, Action speaks louder thn words kaya nga gusto ktng makausap para direkta mong masabi sa akin lht ng hinaing at galit mo, Kaya nga niyayaya kita bukas mgkta kasi ayaw ko dito makipag usap, gusto ko personal. Matitino tayong tao, kaya usap usap tayo ng matino, personal!”

Hindi rin pinalampas ng nanay ni Arjo ang netizen na may handle name na @cutegirlo2 na nagsabing, “WALANG BASTOS KUNG WALANG GINAGAWA NA IKAKABASTOS SA KANILA..KUNG D NILA GINAGAMIT C @mainedcm. HAYAAN NA LANG KUDA NGA NG KUDA.”

“Isa ka sa hihintayin ko bukas (ngayong gabi) ha! IIabas mo ang tapang mo bukas, 7pm Resorts World Coffee Shop Maxim. At pakilabas mo mukha mo dito sa account mo, wag magtago! Para makilala din kita!” sagot naman ni Sylvia.

Ito naman ang sagot ng aktres sa basher tumawag sa kanilang mag-inang mapagbanta, “Mag inang mapagbanta? Kami nga binabantaan nyo eh! Patayin ako, Arjo n Ria? Kami pa ang mapagbanta? Isip isip ka hah! Magpakita ka bukas, usap tayo! Wag kng magtago sa account na to ng walang mukha! Kung matapang ka labas mo mukha mo dito!”

Read more...