Pacman-Mayweather rematch imposible nang matuloy: Hindi ito pera-pera lang

Mayweather-Pacquiao

NAKAKABILIB din itong si Manny Pacquiao, ha.

Pagkatapos nga nitong manalo sa laban kontra Adrien Broner at kahit pa ninakawan ang mansion niya sa Amerika ay nagpakita pa rin ito ng kababaang loob at mabilis na pagtanggap sa pangyayari.

Pero mas bumilib kami sa naging gesture niya nu’ng magkita sila ni Floyd Mayweather, Jr. sa NBA game between Warriors and Lakers.

Sa isang viral video makikitang dumadaan si Pacquiao papunta sa kanyang upuan nang madaanan niya si Mayweather.

Nagsigawan ang mga fans sa tagpong yun at makikitang lumingon si Mayweather sa likod niya at du’n na nga iniabot ni Pacquiao ang kamay nito bilang pagbati.

Pero imbes na kamayan din siya ni Mayweather, at closed fist ay ini-acknowledge niya ang pagbati ni Pacquiao kaya’t mas lumakas ang hiyawan ng mga tao.

Ngiti lang ang isinukli ni Pacman at agad ngang nag-viral ang tila pag-uusapang “rematch” nila soon kahit pa sinabi na ng spokesperson ni Mayweather na imposible na itong mangyari dahil nag-retire na nga ang kalebel ni Pacman sa boxing.

At saka sinabi rin nilang “it’s not all about money” kaya’t di raw masisilaw sa anumang offer na salapi ang kampo nila. Ganern?

q q q

Sayang naman kung dalawang quarterfinalists lang ang kukunin sa on-going second quarterfinal round ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Sina John Mark Saga (Cavite) at John Michael dela Cerna (Davao) ang consistent na nakakakuha ng standing ovation (for three days) mula sa mga hurado. Palaban din naman din sina Girlie Las Pinas (Cebu) at Armando Mandapat (Parañaque).

Ang dalawa pang bigating contender ay sina Rose Ganda Sanz (Pampanga) at Emil Sinagpulo (Cavite).

Si John Mark ang ikalawang semifinalist na may record bilang undefeated contestant gaya ni Elaine Duran (Mindanao) na nanalo ng 10 sunod-sunod na araw. Pareho silang mga resbaker at talunan sa mga unang sabak nila sa TNT.

Bet namin ang dalawang John, pero wish din sana naming makasama si Girlie o di kaya’y si Armando na kaboses talaga ni Basil Valdez.

Ngayong Sabado malalaman kung sino sa kanila ang makakasama nina Elaine Duran at Ranillo Enriquez na mga quarter one semis winners na may sarili na ring career ngayon dahil lagi na rin silang naiimbita sa mga fiesta at corporate shows.

Read more...