Osang guilty sa kasong paninira, breach of contract, inutusang magbayad ng P3M


KUNG magbiro nga naman ang kapalaran. Naabot ni Rosanna Roces ang pinakamataas na antas ng kasikatan nu’n, hindi lang ang mga kasabayan niyang sexy actress ang nilampasan niya nang milya-milya, kahit ang mga sikat na babaeng personalidad ay inabutan din niya.

Nakikipagsayaw nu’n sa kasikatan at karangyaan si Osang, kung makapangmenos siya ng kahit sino ay parang wala nang bukas, idinemanda niya ang kanyang manager na si Manay Lolit Solis pati ang network na napakalaki ng naitulong sa kanya.

Pero nu’n ‘yun. Dahil pagkalipas lang nang ilang taon ng pamamayagpag ay pinagdamutan na siya ng mga proyekto, walang ibang dapat sisihin sa nangyari kay Osang, kundi ang sarili rin niya.

Dumoble ang laki ng kanyang katawan na dati’y pinagnanasahan ng mga kalalakihang tumututok sa bawat pelikulang gawin niya, naubos ang lahat ng mga naipundar niya, paminsan-minsan na lang siyang nagkakaroon ng trabaho ngayon.

At binigwasan pa siya ngayon ng tadhana, inaatasan siya ng Supreme Court na magbayad nang mahigit na P3 milyon sa Forever Flawless na dati niyang ineendorso, natalo siya sa kasong isinampa ng kumpanya laban sa kanya dahil sa breach of contract at paninira sa kumpanya mismo.

Kung nu’ng kasikatan niya nangyari ang ganito ay walang problema ang milyunang halaga para kay Rosanna Roces, pero ngayon ay ibang-iba na ang kanyang sitwasyon, namamana na siya sa dilim.

Ang buhay nga naman, parang life, mapagbiro. Ang nasa itaas, kapag naging palalo, ay ibinababa para bigyan ng leksiyon.

Read more...