FEELING Regal Baby na rin si Robin Padilla nang dumalo sa grand mediacon ng bago niyang movie, ang “Bato, The General Ronald dela Rosa Story” na ginanap sa Valencia Events Place last Thursday.
Bago matapos ang presscon ay inabot ni Roselle Monteverde ang kanyang cellphone kay Robin para kausapin si Mother Lily Monteverde sa linya.
“Okay lang, Mother. Natuloy na rin ang project natin sa wakas! Kami nina Joko (Diaz), Efren (Reyes), Regal Babies na kami, huh! I love you, Mother!” saad ni Robin sa harap ng press habang kausap si Mother Lily.
Basta para kay Binoe, sa paggawa ng bioflick ni Gen. Bato dela Rosa, maraming nabigyan ng trabaho lalo na ‘yung dating mga kasamahan niya sa industriya na nakatulong sa kanyang pagsikat.
“Muli mga mahal kong kapatid sa industriya ng pelikulang Pilipino, kumakatok po kami. Lumalapit po kami sa kapatid namin sa press, tulungan ninyo kami na mapalaganap ang pelikulang ito.
“Sana po huwag po ta-yong ma-involve sa kotrobersiya ng pulitika kasi nakakalungkot naman ‘yon kung pagbibintangan niyo kami na gumagawa kami ng propaganda.
“Sana po ‘yung ganoong klaseng bintangan, ganoon klaseng pukulan, isantabi po muna natin. Isipin na lang natin na nagkaroon kami ng trabaho. Nakapagbigay kami ng trabaho sa mga stuntman. Sa mga utility, maraming tao po ang nagkaroon ng trabaho rito.
“Sana po tingnan din ninyo ang istorya. Bago niyo sana mahusgahan kami, panoorin ninyo muna ang pelikula, ang buong istorya ni General Bato. Kung worth it ba? Worth it ba na gawing pelikula?
“Doon naman po sa pulitiko na walang sawa sa kababakbak, pambihira naman kayo, o! Lumamig na nga ang ulo ninyo. Hindi ko na nga kayo nilabanan!
“Kung nilabanan ko kayo eh di wala kayong upuan diyan! Huwag n’yo na akong buwisitin, huwag n’yo na akong asarin, hindi ninyo ako kalaban!
“Ako artista lang. Nagtatrabaho lang po ako. Hindi ako ang senador kaya huwag ako ang bakbakan ninyo!
“Ako nagtatrabaho lang ako. Gusto ko lang masaya ang mga tao. Gusto ko lang makapagbigay ng magandang entertainment. Kaya mga mahal kong kababayan, bigyan niyo ako ng break, bigyan ninyo kami ng break.
“Bigyan ninyo ng break ang action movies dahil kapag binigyan ninyo ito ng break, napakaraming magkakatrabaho!” mahabang pahayag ni Robin.
Sa totoo lang, sa latest Instagram video ni Robin at pasasalamat sa lahat ng na-ging bahagi ng “Bato” movie, pinasalamatan din niya ang asawang si Mariel Padilla na walang sawang nagpapakain sa mga tao sa set kasama ang tinawag ni Binoe na kanyang “pulutong”.
Natanong din si Robin kung wala ba talaga siyang planong pumasok sa politika, sagot ng action star, “Isa lang ang pulitiko sa pamilya. Si Rommel na yun. Si Rommel ay tatakbong congressman. Eh against tayo sa dynasty.
“Mahirap naman yung ako mismo hindi susunod. Practice what you preach. Tama na yung isa. Si kuya Rommel talaga ang public servant eh.
“Hindi ako puwede diyan. Wala akong pasensiya. Kailangan diyan mapagpasensiyang tao.
“Gusto mo bang may binubugbog ako sa Senate? Naku huwag. Tama na ‘yung isa sa aming pamilya. Talagang against ako sa political dynasty,” sabi ni Binoe.