Arjo Atayde unang pinangarap maging komedyante

ARJO ATAYDE

Gusto namin ang attitude ni Arjo Atayde. Nu’ng mag-guest siya kasama sina Joross Gamboa at Ketchup Eusebio sa “Chismax” show namin sa DZMM last Sunday, marespeto itong nakiusap na huwag siyang tanungin hinggil kay Maine Mendoza.

“Puwedeng sa ibang araw? Masaya kasing pag-usapan ang ‘TOL,’” sey nito na ang tinutukoy ay ang bago niyang pelikula.

In high mood nga ang tatlong aktor dahil kagagaling lang nila sa kanilang “bus tour” kung saan namudmod sila ng mga “crackers” sa bus terminal bilang bahagi ng promo ng “TOL”.

Kenkoy na kenkoy na ang mood ni Arjo na umaming unang pinangarap na maging komedyante pero sa drama at aksyon nalinya.

“That’s why I’m so proud of this. Makikita nila ang ibang Arjo rito,” hirit pa ng tisoy na aktor, na game na game na nakipagharutan kina Ketchup at Joross.

Kaya naman nu’ng presscon nila last Tuesday night, hindi na naiwasan ni Arjo ang sagutin ang tanong tungkol sa kanila ni Maine kaya’t umamin na rin itong “exclusively dating” na sila.

Kung makakatulong ito para maging box-office hit ang “TOL”, iyan ang ating aabangan. Basta kami, naniniwala kaming more than “exclusively dating” na ang status nila ni Maine!

Read more...