May mga kababayan kami sa Mercedes, Camarines Norte na medyo nasaktan nang hindi man lang umano “nagpakatotoo” ang seryeng The General’s Daughter ni Angel Locsin.
Kini-claim kasi nilang imbes na yung totoong pangalan ng isla kung saan napadpad ang karakter ni Angel ang inilagay sa istorya ay ginawa itong Ilocos Norte.
Ni hindi raw binigyan ng kredito ang mga lugar (barrio Matotoogtoog at ilang eksena sa Daet) na pinagsyutingan at kahit sa closing credits ng serye ay hindi rin daw ito kinilala.
Well, for one, napaliwanagan silang sa mga teleserye (or movies), yung “fictional” element ng kuwento ang pinaiiral ng isang production. Na kaya hindi nila marahil nabasa ang credit sa naturang pilot telecast ay dahil mas nakatuon ang buong serye sa bigat at ganda ng mga susunod na kabanata.
Sure naman kaming well-acknowledged ang mga lugar na nabanggit lalo pa’t may mga taong nagpapatotoo na pinapirma pa sila ng waiver para huwag ma-spoil sa mga local media ang location ng kanilang shooting.
Ang nakikita naming bongga rito ay ang pagkakaatado ng mga shots kaya nagmukha talagang “paraiso” ang naturang lugar na ngayo’y nais na ring marating ng mga Pinoy na sumusubaybay sa The General’s Daughter dahil nga sobrang ganda nito na talo pa raw ang isla ng Boracay sa linis.