Jessy Mendiola did not see herself working with boyfriend Luis Manzano in a movie.
“Tingnan natin. Pero sa movies kasi ang iniisip namin ay baka mahirapan kaming makatrabaho ang isa’t isa. Baka mailang kami. Parang mas okay na let’s keep it personal,” say ni Jessy sa presscon ng “‘TOL” na pinagbibidahan nila nina Joross Gamboa, Ketchup Eusebio and Arjo Atayde.
“In fairness kay Luis ino-offer-an siya ng scripts ngayon. ‘Yun nga lang hindi kaya ng schedule niya. Pero siya talaga, if given a chance ay gusto niyang umarte uli,” dagdag na chika ni Jessy.
Sa “TOL” ay pinag-aagawan si Jessy nina Joross, Ketchup at Arjo. Hindi naman ito dapat pagtakhan kasi parang diyosa si Jessy sa personal.
MOST READ
LATEST STORIES