Bukod sa gagawing teleserye sa GMA 7, magiging busy din ngayon si Jennylyn Mercado sa pagte-training para sa sasalihang Hokkaido Marathon this coming August.
Isa sa mga kilalang celebrity triathlete si Jennylyn pero aminado siya na medyo mahina siya sa pagtakbo kaya gusto niyang ma-experience ang makasali sa marathon.
“Nagta-triathlon ako before pero medyo hate ko sa three disciplines ‘yung running pero ‘yun ‘yung gagawin ko ngayon,” sabi ni Jennylyn.
“Kailangan ko siya i-goal para gawin ko kasi kung hindi ako magre-register at hindi ko talaga siya plano for this year, tatamarin ako, kaya dapat karirin ko na,” dagdag pa niya.
Sa lahat ng mga fans and supporters ni Jennylyn, very soon ay mapapanood n’yo na rin siya sa upcoming Kapuso series na LUV U Two kung saan makakatambal niya for the first time si Gabby Concepcion.
Excited na si Jennylyn sa bagong project na ito dahil kakaibang tema at konsepto naman ang ihahatid nila sa mga televiewers. Kasama rin nila dito ang bagong Kapuso star na si Kiray Celis at si Shaira Diaz.