SA pag-amin ni Arjo Atayde sa presscon ng pelikulang “TOL” ng Reality Entertainment tungkol sa “exclusively dating” status nila ni Maine Mendoza inuulan ngayon ng batikos ang aktor.
Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato sa kanya ng bashers at idinamay na rin pati ang ang sister niyang si Ria Atayde.
“Manggagamit”, “gimikero”, “ahas” ang ilan lang sa mga itinawag sa kanya ng mga fans nina Maine at Alden Richards. Sinabi pa ng isang netizen na scripted diumano ang pag-amin niya sa estado ng relasyon nila ngayon ni Maine.
Halata diumanong ginamit ni Arjo ang sitwasyon nila ni Maine para sa promo ng latest movie niya with Ketchup Eusebio, Joross Gamboa at Jessy Mendiola.
Being positive in this case, hindi tamang banatan si Arjo. Sa mga ganyang sitwasyon tulad ng presscon, talagang hindi nakakawala ang isang artista sa tanong ng entertainment reporters and writers about some issues.
Saludo nga kami kay Arjo dahil matapang niyang inamin ang totoo sa kanila ni Maine at wala kaming nakikitang mali roon. Kung sinasabi ng ilang bashers ng aktor na manggagamit siya, excuse me po, hindi po kailangang manggamit ni Arjo nang kahit na sinong celebrity dahil unang-una, may napatunayan na si Arjo bilang isang mahusay na aktor.
Hindi rin ganyan ang pagkakakilala namin sa aktor at naniniwala kami na never siyang manggamit ng kahit sino para lang mapag-usapan.
Sana’y tigilan n’yo na ang pagbato ng kung anu-anong malilisyosong issue kay Arjo dahil wala siyang ginagawang masama. Nagpakatotoo lang siya sa kanyang nararamdaman at pareho naman silang single ni Maine.
Basta showing na ngayong Jan. 30 ang “TOL” handog ng Reality Entertainment.