Driver ng brgy chair niratrat, patay

NASAWI ang driver ng isang barangay chairman sa Mina, Iloilo, nang pagbabarilin ng mga armado, Huwebes.

Dead on arrival sa ospital si Melvin “Nano” Hermosura, driver ni Brgy. Tolarucan chairman Teodoro Camarista, dahil sa mga tama ng bala sa ulo, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Naganap ang insidente sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Tolarucan, dakong alas-12:50 ng tanghali.

Nagmomotorsiklo si Hermosura nang harangin ng isang puting pick-up na galing sa kabilang direksyon.

Kasunod nito’y pinaputukan siya ng apat na taong sakay ng naturang pick-up at may dalang maiigsi at mahahabang baril, ayon sa ulat.

Itinkbo pa si Hermosura sa isang ospital sa Janiuay, pero di na umabot nang buhay.

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis sa crime scene ang apat na basyo na tila mula sa M16 rifle at tatlong basyo ng kalibre-.9mm baril.

Read more...