SUPORTADO ni Pangulong Duterte ang panukalang mapaparusahan rin ang mga magulang ng mga batang masasangkot sa krimen.
Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ipinauubaya sa Kongreso ang pinal na bersyon ng panukalang batas matapos namang aprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukala na nagpaparusa sa mga may edad na 12-anyos pataas na sangkot sa kriminalidad.
“We are not contemplating. The President is expressing an idea. And it’s on the part of Congress to realize such idea. If they are open to that, then they can do something about it,” sabi ni Panelo.
Idinagdag niya na dapat ay managot ang mga magulang na nagpabaya sa kanilang mga anak.
“I think there should be some kind of punishment to parents if the parents are neglectful either deliberately or recklessly. Supposedly, the parents are the trainor of children, the moulder of children to become righteous individuals and good citizens,” dagdag niya.