NIYANIG ng magnitude 5.5 na lindol ang Cagayan ngayong hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naramdaman ang lindol alas-4:34 ng hapon. Ang epicenter nito ay 27 kilometro sa kanluran ng Calayan. May lalim itong 24 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Laoag City; Bacarra, Pasuquin, at Vintar, Ilocos Norte.
Intensity III naman sa Cervantes, at Sinait, Ilocos Sur
Intensity II sa Peñablanca, Cagayan at Intensity I sa Vigan City.
Posible umanong magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito bagamat mahina para magdulot ng pinsala.
MOST READ
LATEST STORIES