Cagayan niyanig ng magnitude 5 lindol

NIYANIG ng magnitude 5 na lindol ang Cagayan ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Naramdaman ang lindol alas-4:34 ng hapon. Ang epicenter nito ay 49 kilometro sa kanluran ng Calayan. May lalim itong pitong kilometro.

Nagresulta ito sa Intensity IV paggalaw sa Pasuquiin, Ilocos Norte. Intensity I naman sa Vigan, Ilocos Sur.

Posible umanong magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito bagamat mahina para magdulot ng pinsala.

Read more...