Pagbaba ng edad ng criminal liability inaprubahan ng Kamara, pero ibababa sa 12 hindi 9

INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na ibaba ang edad ng criminal liability.

Pero sa halip na siyam na taon, itinaas sa 12 taon ang maaaring parusahan sa paggawa ng krimen mula sa 15-anyos.
Matapos ang viva voce voting, idinekalara na aprubado na ang House bill 8858. Sa susunod na linggo ay maaari na itong aprubahan ng Kamara sa ikatlong pagbasa alinsunod sa three-day rule.

Si Sagip Rep. Rodante Marcoleta ang naghain ng mosyon upang tapusin na ang debate kahit mayroon pang mga nais na magtanong sa sponsor ng panukala na si House committee on justice chairman Doy Leachon.

“It appears Mr. Speaker that there were already (enough) speakers for the measure satisfying the requirements…. because of this Mr. Speaker I move to close the debate,” ani Marcoleta.

Matapos ito ay ipinasok ang mga pagbabago sa panukala at inaprubahan na ito sa ikalawang pagbasa.

Sinabi ni Leachon na ang pag-amyenda sa 12 taon ay napagkasunduan ng mga miyembro ng Kamara.

“This was the consensus of all the House members. Of course, we would like to get a feel of all the members of Congress. There were many reservations with regard to nine, so we got the majority uniformed it to 12 instead of nine,” ani Leachon. “It’s very clear and apparent that the committee report was moved from nine to 12. I’m thankful to all the members for their support.”

Sa ilalim ng panukala ay maglalaan ang Kongreso ng pondo upang makapagtayo ng mga Bahay Pagasa kung saan maaaring manatili ang isang menor de edad na nakagawa ng krimen.

Read more...