Medical marijuana pasado na sa ikalawang pagbasa

INAPRUBAHAN  ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala upang maging legal ang paggamit ng medical marijuana sa bansa.

Ito ang pinakamalayong narating ng panukala na ilang Kongreso ng isinusulong.

Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano III, may-akda ng House bill 6517 o ang Compassionate And Right Of Access To Medical Cannabis, napatunayan na sa mga pag-aaral na mabisa ang marijuana sa ilang sakit.

“This will help patients suffering from pain and other debilitating medical conditions such as cancer,” ani Albano.

“We advocate the legal use of medical marijuana not to put to risk the lives and well-being of the Filipino people.”

Batay sa pag-aaral mabisa ang marijuana sa paggamot ng cachexia o wasting syndrome; severe at chronic pain; severe nausea; seizures kasama ang epilepsy; severe at persistent muscle spasms.

Hinamon din ni Albano ang kritiko ng kanyang panukala na basahin itong mabuti upang maitama ang mali nilang iniisip.

“I urge critics of my proposed medical marijuana bill to please read word for word, sentence by sentence, paragraph by paragraph the entire content of House Bill 6517; and internalize it. The bill clearly provides that the use of medical marijuana has to comply with strict regulatory requirements under the Department of Health.”

Nauna ng sinabi ng Malacanang na pipirmahan ni Pangulong Duterte ang panukala kung makararating ito sa kanya.
Mananatili namang bawal ang paggamit ng marijuana gaya ng ginagawa ng mga adik at hindi rin ito maaaring ibenta kahit na kanino.

Read more...