Coco tinupad ang hiling ng batang may kakaibang sakit sa balat

TODO ang pasasalamat ni Edu Manzano kay Coco Martin matapos nitong pagbigyan ang hiling ng isang batang may kakaibang sakit sa balat.

Ipinost ni Edu ang ilang litrato kung saan karga-karga nila ni Coco ang batang si Miracael Macavinta, na may rare skin disease na Epidermolysis bullosa na sinasabing genetic o namamana.

Ayon sa isang health website (Medscape), “Epidermolysis bullosa is a group of rare diseases that cause fragile, blistering skin. The blisters may appear in response to minor injury, even from heat, rubbing, scratching or adhesive tape.

Coco Martin at ang batang natulungan

“In severe cases, the blisters may occur inside the body, such as the lining of the mouth or the stomach.”

Sa isa pang website sinasabing, “Children born with it are often called ‘Butterfly Children’ because their skin seems as fragile as a butterfly wing.”

Coco Martin at ang batang natulungan, Miracael Macavinta

Narito ang caption ng aktor sa kanyang IG post: “Earlier this month, nakatanggap ako ng sulat from the parents of a child named Miracael Macavinta, who is suffering from a rare skin disease called Epidermolysis bullosa.

“The letter was coursed through the office of Vice Mayor Janella Estrada.

“Tanging hiling niya lang ay ma-meet ang kanyang idol na si Coco Martin and recently, we made that happen!

“Maraming salamat @mr.cocomartin for giving joy to this brave child! You are truly a blessing to many. #fpjap #angprobinsyano.”

Read more...