NAKUHA ni Joey de Leon sa tukso sina Alden Richards at Maine Mendoza sa “Boom” segment ng Eat Bulaga last Monday kaya naganap uli ang viral “kissing scene” ng Pambansang Bae at ng Phenomenal Star.
Hindi muna bumigay si Meng sa kantiyaw ni Joey. Pero tumalikod siya at pinahahalikan kay Alden ang likod na bahagi ng kanyang ulo.
“May mukha ako riyan!” sey ni Meng na tila ginaya ang upcoming Kapuso series na Kara Mia kung saan mukha ni Barbie Forteza ang nasa harap at mukha naman ni Mika dela Cruz ang nasa likod.
Pero kalaunan ay pumayag na rin si Maine na magpahalik kay Alden sa bandang kaliwang tenga (o pisngi?). Tilian naman ang fans sa loob ng APT Studios sa ginawa ng dalawa hanggang sa kumalat na nga sa social media ang mga litrato at video ng kanilang kissing scene, huh!
Sa totoo lang, concerned naman talaga si Meng sa AlDub fans na patuloy ang pagsuporta sa kanila kahit sa Eat Bulaga na lang napapano-od ang love-team nila ni Alden.
Tinatahak man nila ang kanya-kanyang landas ngayon para sa kani-kanilang showbiz career, nananatili pa rin ang espesyal nilang pagkakaibigan.
Eh, phenomenal ang nabuo nilang AlDub loveteam at marami pa ring nagmamahal sa kanila hanggang ngayon kaya naniniwala kami na very soon ay magkakaroon uli sila ng project together. Hindi naman siguro basta ibabasura ng Eat Bulaga at ng GMA ang kanilang phenomenal tandem, huh!
Kaya nga tuloy ang pagdarasal ng AlDub Nation na ang kanilang mga idol ang mapili ng GMA 7 para magbida sa Pinoy version ng hit Korean series na Descendants Of The Sun.