ISANG masigabong palakpakan sa mga babaeng nagbibigay ng karangalan sa bansa pagdating sa palakasan.
Hindi lamang mga atleta ang tinutukoy ko, kundi mga lider at opisyal ng Philippine sports na inuuna kung ano ang makabubuti sa bansa kaysa sa sarili nilang kapakanan.
Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang ilaw ng mga tahanan kundi sila pa ang nagbibigay ng lakas upang isulong ang pagbabago sa Philippine sports.
Bagamat karamihan sa mga personalidad sa palakasan ay mga kalalakihan, hindi maitatatwang mas maraming kababaihan ang nagbibigay-karangalan sa bansa pagdating sa mga internasyonal paligsahan. Nitong nakaraang Asian Games sa Indonesia ay bokya ang mga kalalakihan sa ginto ngunit iba ang sitwasyon pagdating sa mga kababaihan.
Hindi ba’t kumikinang na mga ginto ang iniuwi nina Hidilyn Diaz ng weightlifting, Margie Didal ng skateboarding at mga golfer na sina Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Go?
Korek sina Philippine Sports Commission commissioner Celia Kiram at Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion sa pagsasabing nararapat lamang na patibayin ang husay hindi lang ng mga babaeng atleta kundi maging ang mga opisyal, coach at maging ang mga may kakayahan na maging lider ng kani-kanilang mga asosasyon.
Napakaganda rin ng planong Women in Sports Summit ng PSC at POC na gagawin sa Marso. Kung matutuloy ito ay malaking bagay sa unti-unting pagbuti ng relasyon sa pagitan ng PSC at POC.
Sa ilalim ni Carrion ay umangat ang estado ng gymnastics sa bansa at huwag kayong magtaka kung humakot ng ginto ang bansa sa darating na 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa.
Ganito rin ang sitwasyon sa Muay Association of the Philippines.
Kasama nina Kiram at Carrion sa matagumpay na Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports sa National Press Club sina Mardel Claro at Preciosa Delarmino ng Muay na kapwa nagpahayag ng paniniwala na magiging maganda ang resulta ng kampanya ng kampanya ng bansa sa SEA Games.
Napakaganda ng proyektong Women’s Martial Arts Festival na pinangungunahan ni Kiram sapagkat nabibigyan ng pagkakataon ang mga babaeng ipakita ang kanilang mga husay.
Ngunit hindi dito nagtatapos ang mga programa ni Kiram na tulad ng nais ni PSC chairman Butch Ramirez ay dalhin sa mga komunidad ang sports. Bago siya naging PSC commissioner ay pinamunuan ni Kiram ang pencak silat.
Kabilang sa mga hakbang na ginagawa ng nag-iisang babaeng PSC commissioner ang pagkakaroon ng mga programa para sa Persons With Disabilities (PWD).
Malapit ang puso ko sa mga PWD at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdamam kung mapapanood ang mga tagumpay nina swimmer Ernie Gawilan, powerlifter Adeline Dumapong Ancheta, table tennis ace Josephine Medina, track and field stars Cielo Honasan at Cendy Asusano, bowler, Kim Chi, at ang mga henyo sa chess na sina Sander Severino, Redor Menandro, Israel Peligro, Henry Lopez at Arman Subaste.
PARA KAY COMPTON
Narito ang opisyal na tugon ng San Miguel Beer sa personal na pahayag ni Alaska coach Alex Compton sa isang panayam sa kanya.
‘‘The San Miguel Beermen is the last remaining pioneer team in the Philippine Basketball Association (PBA) when it was founded in 1975.
As the flagship team of the San Miguel Corporation (SMC), it is incumbent upon the Beermen to keep on improving its team lineup every year to make it even more competitive and win more championships for the benefit of its fans who expect nothing less.
It is unfortunate that Alaska team head coach Alex Compton had to make a statement against the Beermen and the league when he actually traded away competent players like RJ Jazul and Calvin Abueva.
It is also widely known that Terrence Romeo was offered to all the PBA teams before he was traded to San Miguel Beermen.
Despite Mr. Compton’s unnecessary remarks, we are still excited about what the future holds for PBA, our teams and the fans.
Each PBA team has a responsibility to create the right chemistry and harness talents to come up with a formidable squad. This league has a gone a long way in providing entertainment and appreciation for this great sport and for that we thank all the people who have been a part in building it.’’
Naiintindihan ko naman ang hugot ni coach Compton dahil nga naman hirap na hirap silang maagaw ang kampeonato sa Beermen lalo na sa Philippine Cup.
Pero bilog naman ang bola at marami namang paraan para manalo sa basketbol. Yan ang matinding challenge sa lahat ng koponang nais na biguin ang star-studded San Miguel Beer team.