Maymay, Edward ginulat ni Marco Gallo


NAGULAT ang magka-loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber nang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang kaibigang si Marco Gallo. Naging close ang tatlo, pati na ang dating ka-loveteam ni Marco na si Kisses Delavin sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sinorpresa ni Marco ang MayWard sa PBB Otso live streaming. Kadarating lang ng dating PBB teen housemate sa bansa mula sa Italy, pagkababa ng eroplano ay dumiretso agad siya sa ABS-CBN para sa PBB Otso live streaming.

“Alam mo sobrang special mo. Hindi talaga namin alam ba na pupunta ka dito,” ang gulat na gulat na chika ni Maymay nang makita si Marco

Sabi naman ni Edward, “We were expecting naman na he is gonna surprise us hindi lang namin alam na ngayon.”

Nasa Pilipinas ngayon si Marco para sa ilang proyekto, kasama na ang pagpo-promote ng huling natapos niyang pelikula, ang “Pamilya Blandina” na pinagbibidahan ni Karla Estrada.

Read more...