Sey mo Gretchen, Kris nagbayad ng P322M tax sa loob ng 8 taon


“CARE bears” (read: walang pakialam; dedma) lang talaga si Kris Aquino sa pakikisawsaw ni Gretchen Barretto sa kasong isinampa niya laban sa dating business partner na si Nicko Falcis.

Halata naman daw kasing nagpapapansin lang ang aktres dahil kahit saang anggulo tingnan ay wala siyang konek sa issue. At siguradong inis na inis na si Gretchen dahil hindi naman siya pinapatulan ng Queen of Social Media at Online World.

Napanood namin ang huling video ni Gretchen, sinabi nito na kaya siya galit kay Kris ay dahil nakialam ito sa pagbabayad ng hindi tamang buwis ng isang negosyante na pareho nilang kilala noong pangulo pa si Noynoy Aquino. Ito ba ang sinasabi niyang pakikisawsaw ni Kris sa buhay niya? Hindi ba parang lihis naman sa issue?

Mukhang hindi nga kilala ni Greta si Kris na isa sa mga personalidad na galit na galit sa mga taong hindi nagbabayad ng tamang buwis tapos aakusahan niya na tumulong sa isang tao para mapababa ang babayarang tax nito?

Anyway naglabas ng video si Kris sa Instagram kung saan ipinakita niya ang mga balita tungkol sa pagbabayad niya ng tamang buwis pati na ang official statement mula sa legal counsel niya (Divina Law) tungkol sa mga paratang sa kanya ni Gretchen.

Ang caption ni Kris, “To put things in context: Nilabas ang list ng top individual taxpayers for income earned in 2011, taxes paid in full April 15 up to July 15, 2012 nu’ng income tax season of April 2013, the same time His Highness, the Sultan of Brunei was in the Philippines, for a State Visit. @inquirerdotnet used this photo as their front page banner picture. Kung maniniwala ako sa fairytale, si Princess Intan hindi lang pala sa @crazyrichasians pwede maging royalty. Please chill? That was just super wishful thinking.

“8 years of certified BIR tax payments ang nilabas ko, hindi po para magyabang, pero para magpatunay, na kailanman ay hindi ko magagawang ipagkait sa Pilipinas at sa mga PILIPINO ang karapat-dapat at tamang buwis na dapat kong ibayad. P322,098,558.74 in paid taxes over 8 years, and I was already the top 8 taxpayer in 2008, a year before my mom died and 2 years before my brother became president.

“This post was simply a statement of easily verifiable BIR tax records. REALITY CHECK. HAPPY SUNDAY EVENING. #lovelovelove.”

Read more...