Horoscope, January 22, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Disiplinahin ang sarili upang lalo pang umunlad. Sa pag-ibig, wag kang mag hintay ng mga bagay na hindi naman darating. Oo, kailangan kang kumilos at hanapin mo ang magandang kapalaran sa malayong lugar. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Orange at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Sa taong ito ng 2019, sayang ang malaking kinikita at dating ng magandang income kung hindi ka mag iipon. Simulan mo ng mag-savings ngayon! Sa pag-ibig, balikan ang mga dating lugar na pinasyalan nyo ng iyong mahal at doon uli kayo magsummer vacation. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam-Om-Kebalam.” Gray at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Sa taong ito ng 2019, tuloy-tuloy ding darating ang suwerte basta’t ituloy mo lang din ang mga mabubuting ginagawa mo sa iyong kapwa lalo sa iyong pamilya. Nakikita ng langit ang mga pagsasakrispisyo mo, kaya naman inilista na ang iyong pangalan sa talaan ng mga taong gagantimpalaan ng malaking halaga. Ngayon pa lang iplano mo na kung saan mo dadalhin ang mahahawakang pera. Mapalad ang 6, 17, 25, 28, 46 at 49. Mahiwag among mantra: “Viola-Violae-Om.” Blue at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—May darating na magandang oportyunidad sa pag-ibig at pagkakaperahan hatid ng isang Libra. Wag ka ng mag-inarte pa – sunggaban mo na agad! Mapalad ang 2, 11, 29, 35, 39, at 47. Mahiwaga mong manra: “Katha-Upanisad-Aum.” Silver at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa taong ito ng 2019 upang magtuloy-tuloy ang suwerteng pang-materyal makipagkaibigan sa isang Capricorn at sa mga taong may birth date na 5, 14, at 23. Sa pag-ibig, puwede ng pag-tiyagaan ang isang Virgo lalo na’t 1, 10, 19 o kaya’y 28 ang kanyang birth date. Mapalad ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— May lihim na naiingit sa iyo! Wag silang pansinin upang hindi masira ang araw mo! Sa pinansiyal, ituloy mo lang ang pagpapayaman. Sa pag-ibig, basta patuloy kayong nagkakasundo at naguunwaaan ng isang Sagittarius, tuloy ang paglago ng kabuhayan. Mapalad ang 3, 4, 12, 21, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Dosya-Om.” Violet at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—May likas kang magnetismo na wala sa ibang zodiac signs, kaya naman sa pinansyal mas makabubuting ikaw ang mag-market ng iyong produkto para mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, ipatupad ang matagal ng planong mag-honeymoon sa lugar na malapit sa nature. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Yellow at maroon ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa taong ito ng 2019 hindi ka gaanon mahihirapan, pero maraming biyaya ang kusang darating sa iyo. Basta’t pagpaganda ka lang, makikita mo, gaganda rin ng gaganda ang iyong kapalaran. Mapalad ang 1, 8, 19, 22, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Hagiel-Om.” Red at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Panahon na upang ipakita ang sariling kagustuhan. Sa pinansyal at pag-ibig, ikaw ang dapat masunod, hindi ang ibang tao, at lalong hindi ang iyong kasuyo. Pangibabawan mo silang lahat at makikita mo, uunlad at yayaman ka. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa taong ito ng 2019 kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya hindi ka lang susuwertehin sa pakikipag-relasyon, kundi papalarin ka rin sa larangan ng materyal na bagay. Ang tapat na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kapalaran. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Est-Aum” Pink at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa taong ito 2019 habang nagpapakabuti at nagpapakasipag, lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Virgo malaking halaga ng salapi ang maitutulong nya sa iyo. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa pag-ibig, at aspetong pang pinansyal, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad at paano ka magiging maliga? Maging praktikal upang hindi ka na lumuha pa. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Orange at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Ituloy ang kasalukuyang hanap buhay dahil ito na ang pagkakataon upang kumita ka ng malaking halaga. Kapag kumita ng malaking halaga, mag-savings ang unang dapat na gawin upang hindi masayang ang iyong pinaghirapan. Sa pag-ibig, dalasan ang romansa hindi mo ba alam, medyo nababato at nakukulangan na sa iyo ang iyong kasuyo. Mapalad ang 8, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Read more...