Kilalang female celeb na asawa ni tv host nagmaldita sa sosyal na isla

AY, nakakalurkey ang tsismis na nasagap namin kamakailan mula sa isang sikat na island na mayayaman lang ang nakakapunta.

Bago pala kasi magpakasal doon ang isang showbiz couple ay nagkaroon muna sila ng ocular to make sure na perfect ang magiging ganap sa big day nila.

Ayon sa ilang nakausap namin, noong una daw ay very sweet at maayos kausap ang babaeng celebrity pero bigla raw nag-iiba ang mood nito kapag hindi agad nakukuha ang kanyang mga request.

“Ang feeling po yata ni ____ (pangalan ng female celebrity) ay super exclusive sila na lahat kami rito ay mga tau-tauhan nila at lahat ng iuutos nila instant. We have other VIP guests na dapat din naming pagsilbihan,” sey ng aming source.

Pero ang talagang ikinaloka namin ay nang biglang mag-demand ang misis ng TV host-actor ng wi-fi connection sa kuwarto nila. “Hindi po yata siya na-inform na wala kaming ibinibigay na libreng wi-fi dito. Nasa network na pong gamit nilang phone kung aabot dito. Basta dito sa island, we have network signals.”

In short, kung hindi ka naka-line o walang sapat na load para sa wi-fi connectivity, wala kang right umepal dahil supposedly lahat ng nagpupunta sa islang yun ay “rich.”

Although very rich looking naman si female celeb, iba rin ang gaspang ng ugali nito!

Read more...