HINDING-HINDI makakalimutan ng Kapuso actress na si Jo Berry habang siya’y nabubuhay ang greatest blessing na ibinigay sa kanya ni Lord last year.
Ito ay ang pagbibida sa GMA Telebabad series na Onanay kung saan nakasama pa niya ang dalawa sa mga itinuturing na icon ng Philippine cinema, ang Primera Contravida na si Cherie Gil at ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
Hanggang ngayon ay feeling nananaginip pa rin si Jo sa nangyayari sa kanyang buhay. Aniya, forever niyang ite-treasure ang mga bonding moments niya with her idols Cherie and Ate Guy, at sa iba pang cast ng Onanay, kabilang na ang mga gumaganap na anak niya sa serye na sina Mikee Quintos at Kate Valdez.
Naging madali raw para sa kanya ang lahat dahil sa suporta ng mga kasamahan niya sa serye. Kahit daw baguhan pa lang siya at may kaliitan ay ipinaramdam agad sa kanya ng buong production ng Onanay na pantay-pantay lang sila.
Samantala, dahil sa kakaiba at nakakaantig na kwento, patuloy na inaabangan ng mga manonood at netizens ang top-rating at well-loved primetime series na Onanay sa GMA 7.
Marami ang pumupuri sa nakakadalang pagganap ng lahat ng artista rito, kaya naman mas lalo pang pinagbubuti ng produks-yon ang bawat eksena gabi-gabi.
Nangako si Jo Berry na gumaganap sa karakter ni Onay na mas marami pang mga exciting episode ang dapat abangan ng viewers.
“Happy po ako sa show na ito, sa character ko, sa mga katrabaho ko at lalong-lalo na sa lahat ng sumusuporta sa Onanay, thankful po kami sa kanilang lahat. Marami pong revelation na magaganap sa mga susunod na episodes kaya sana po hindi sila magsawang manood,” pahayag ni Jo.
Todo rin ang pasasalamat ni Mikee sa success na patuloy na tinatamasa ng show, “Sobrang saya po namin na ganito kainit ang suporta nila sa Onanay. Minsan nasa labas ako o sa mall show, ang tawag nila sa akin ay Maila. Nakakatuwa na tumatak sa kanila ‘yung characters namin kaya thankful po talaga kami.”
Ang on-screen sibling niyang si Kate Valdez ay overwhelmed rin sa pagmamahal ng mga viewers, “Grabe po ‘yung reception sa amin ng mga manonood, talagang dalang-dala sila sa kwento tsaka ramdam namin ‘yung pagmamahal nila gabi gabi sa social media.”
“Sobrang grateful po kami na nagugustuhan nila ‘yung show at hindi nila kami binibitiwan. Du’n naman sa mga nagagalit sa character ko bilang Natalie, abangan n’yo po yung other revelations,” aniya.
At siyempre, kailangan n’yo ring tutukan ang mga susunod pang pasabog nina Ate Guy at Cherie na siguradong ikaka-shock ng lahat.
Sa pagpapatuloy ng kwento, pumayag na si Natalie (Kate) na tumira sa bahay nina Onay (Jo), Maila (Mikee), at Nelia (Nora), kapalit ng pagpapalaya sa lola niyang sa Helena (Cherie) mula sa kulu-ngan.
Pero hindi pa rin tanggap ni Natalie na sila ang tunay niyang pamilya at mas lalo pang titindi ang galit niya sa mga ito. At ngayong nakalaya na, tuluyan na nga kayang magbago si Helena? Matanggap na kaya niya si Onay bilang bahagi ng kanyang buhay at pamilya?
Sa direksyon ni Gina Alajar, huwag palalampasin ang Onanay, gabi gabi pagkatapos ng Cain At Abel sa GMA Telebabad.