KathNiel fans ‘panic mode’ sa balitang engaged na sina Daniel at Kathryn

NAWINDANG at nagulat ang milyun-milyong KathNiel fans sa ipinost ng nanay ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram account recently.

Sunud-sunod ang reaksiyon ng mga netizens sa IG post ni mommy Min Bernardo kasabay ng tanong kung totoong e-ngaged na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“May nag proposed (sic),” ang pasabog na mensahe ni Mommy Min. Walang ibang detalyeng i-dinagdag ang nanay ni Kathryn about this kaya naman sandamakmak na comments ang nakuha nito.

Ayon sa ilang KathNiel fans, posibleng si Daniel ang nag-propose kay Kathryn habang nagbabakasyon ang dalawa sa Japan. Perfect daw ito sa isang romantic and intimate wedding proposal.

Pero may mga nagsabi naman na baka business proposal lamang ang tinutukoy ni Mommy Min. Narito ang ilang komento ng netizens.

“Tita Min! Nakakagulantang. Enlighten us please!”

“Tita, magkaka-mini heart attack po ako sa ganyan mo po eh!”

“Totoo nga!!! Grabe Tita Min!!! Ang sayaaa sayaaaa!!”

Sa isang panayam kay Kathryn natanong kung handa na siyang magpakasal kay DJ, aniya, “Not so soon. It’s too early now. You don’t just jump into it. It would be unfair for you and your partner if you’re not ready to give it your all.”

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang reaksyon sina Kathryn at Daniel kung ano nga ba ang tinutuloy na proposal ni Mommy Min.

Samantala, nasa Japan ngayon ang magkasintahan para sa isang winter wonderland adventure. Bumisita rin ang dalawa sa Hokkaido para sa kanilang duties as Land of the Rising Sun’s newest celebrity ambassadors.

Read more...