Sarah misis na misis ang pag-aalaga kay Matteo; Popsters muling pinakilig

HASHTAG kilig pa more! Yan ang na-feel ng mga Popsters nang bumandera sa social media ang latest photos nina Sarah Gero-nimo at Matteo Guidicelli.

Sweet na sweet na naman kasi ang magdyowa nang magpakita uli sa publiko together somewhere in Pampanga. Mismong si Matteo ang nag-post ng ilang litrato nila ni Sarah sa Instagram kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga fans.

Sinamahan kasi ni Sarah si Matteo sa pakikipag-compete nito sa Boss Ironman Motorcyle Challenge. Huwaran at very supportive girlfriend ang tawag kay Sarah ng mga netizens. May nagsabi pa na misis na misis ang peg ng singer-actress sa pag-aalaga kay Matteo.

Sa ilang litrato nila sa IG, makikitang magka-holding hands pa ang magdyowa habang sa ibang photo naman na kuha ng mga nasa event ay nakaakbay pa si Matteo sa kanyang GF.

May isa pa silang sweet photo na pinusuan ng mga fans kung saan nakasakay na si Matteo sa motorsiklo at nakaangkla naman si Sarah sa kanya na tila sinasabing, “Akin ka lang! At walang pwedeng umagaw sa ‘yo!”

In fairness, talagang very proud na ang dalawa sa kanilang relasyon at wala na silang hiya-hiya kahit na marami pa ang makakita sa kanila sa mga public place.

Game na game rin silang nagpa-picture sa mga dumalo sa nasabing sports event.

Kamakailan ay nabalitang engaged na sina Sarah at Matteo dahil sa suot ng Pop Ro-yalty na tila engagement ring. Hindi pa nila ito inaamin pero hindi pa rin nila dinedenay. I-pinagdiwang nila ang kanilang 5th anniversary sa Italy noong September, 2018.

Read more...