MAY pakiusap si Portia Carlos, ang girlfriend ng yumaong drummer ng bandang Razorback na si Brian Velasco sa mga netizens.
Nag-post si Portia sa Facebook ng litrato nila ni Brian na magkayakap kung saan magkaharap ang kanilang mga mukha at parehong nakangiti.
Kasabay nito, sinabi ni Portia na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita ang video ng sinasabing pagpapakamatay ng kanyang boyfriend. Narito ang kabuuan ng mensahe ng naulilang GF ni Brian.
“We, the closest, have not seen it.
“I don’t ever want to see it. Not even a screenshot. Please think of that when you feel like sharing or spreading it. PLEASE DON’T BE A PARTY TO ME SEEING IT,” aniya.
Bukod dito, nakiusap siya sa mga dadalaw sa burol ni Brian at sa mga magpo-post ng mga pa-tribute kay Brian sa social media.
“I understand you (are hurting) also but please process what you saw and how you felt about it with somebody else.
“Please don’t tag me in your tributes or photos with him either. I only want to see them when I’m ready to see them,” aniya pa.
Ibinalita rin ni Portia na pinaplano na nilang kumuha ng health insurance para sa kanilang pagtanda.