TAMA ang ginawa ng baguhang artista at basketball player na si Ricci Rivero sa paghingi ng paumanhin kay Liza Soberano. Iba talaga kapag may mga bagong artista na gumagabay sa kanila sa showbiz.
For sure, pinayuhan nang mabuti si Ricci ng mga taong nagmamahal sa kanyang career kabilang na si Dondon Monteverde at Erik Matti na mga boss niya sa Reality Entertainment.
Mukhang mabait at may breeding ang impression namin kay Ricci nu’ng una namin siyang ma-meet sa office ni Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez. Nakatakda silang mag-promote ni Danzel Fernandez, anak ni Mayor Dan, ng movie nila na “Otlum” sa Sta. Rosa that time. Kaya pati si Danzel ipinakilala sa amin ni Mayor Dan.
Galing ng De La Salle University si Ricci taking up Sports Management. But something happened kaya nag-transfer siya sa UP, Diliman at kumuha ng kursong Tourism.
Inaabangan na ng kanyang fans ang binata sa kanyang unang sabak sa game ng UP Maroons para sa susunod na UAAP. Mataas ang expectation ng UP fans sa pagpasok ni Ricci sa team along with Kobe Paras.
When we asked him kung sino ang gusto niyang maging leading lady or ka-loveteam, wala pa siyang maibigay na pangalan. Pero umamin si Ricci kung sino ang kanyang celebrity crush.
“Ah, si Claudia (Barretto), but she does not want to enter movies pa po ata, eh,” lahad ni Ricci.
And speaking of Mayor Dan, muli siyang tatakbo bilang congressman ng Sta. Rosa sa susunod na eleksyon. Last term na raw kasi niya bilang Mayor kaya magsu-switch na sila ng incumbent congressman ng Sta. Rosa na si Arlene Arcillas.
Gaya ng ibang parent, nais rin ni Mayor Dan na mai-produce ng pelikula ang kanyang anak na si Danzel someday. At tulad ng kanyang ama, gusto ring pasukin ni Danzek ang politika after college.
q q q
Ipagdiriwang ng Pista ng Pelikulang Pilipino ang Centennial Year ng Philippine Cinema. Opisyal nang inihayag ng Film Development Council of the Philippines ang ikatlong taon ngayong 2019 na gaganapin simula Setyembre 11 hanggang 17 na siya na ring magiging opisyal na selebrasyon ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino.
“Excited na kaming isali ang buong bansa sa selebrasyon ng 100 Taon ng Pelikulang Pilipino at ang mas magandang paraan upang gawin ito ay maengganyo natin ang mga manonood na suportahan ang dekalidad na genre films na espesyal na ginawa para sa kanila. Ang mga hinahanap namin ay mga pelikulang may original narrative at kakaibang mga paglalahad ng kwento pero accessible sa mas malawak na manonood,” sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño.
Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino ay kinilala sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembre na nagtatalaga sa FDCP bilang lead agency para sa selebrasyong ito.
Ang historic milestone na ito ay ipinahayag sa karangalan ng “Dalagang Bukid” ni Jose Nepomuceno na ipinalabas noong Setyembre 12, 1919, at itinuturing na pinakaunang pelikulang gawa ng Pilipino.