Louise maraming na-discover sa pagkatao ni Xian


MARAMING na-realize si Louise delos Reyes nang makatambal niya sa pelikulang “Hanggang Kailan” si Xian Lim under Viva Films.

Kaya naman todo-todo ang pasasalamat ng aktres na sa kanya ipinagkatiwala ng Viva Films ang nasabing proyekto, “I’m super thankful that Viva Films entrusted me with this project with Xian Lim.

“I have a lot of firsts doing this film kaya naman this is one of my favorites so far,” aniya sa nakaraang presscon ng “Hanggang Kailan”.

Dito rin nakilala nang husto ni Louise kung sino talaga si Xian, lalo na nang ilang araw silang nag-shooting sa Saga Prefecture, Japan.

“I think in a positive way naman na hindi siya pala super serious na tao. He jokes a lot. There was never a dull moment with him,” pahayag pa ng dalaga.

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon sa social media ay ang love scenes nina Louise at Xian sa movie. Inamin ni Louise na first time niyang ginawa sa harap ng camera ang mga maiinit na eksena nila ni Xian.

Pinag-usapan muna nila ng kanyang leading man kung paano gagawin ang kanilang intimate scenes pero wala naman siyang masyadong paghahanda na ginawa.

“I actually did not prepare for anything. I trust my director, Direk Bona Fajardo and also Xian,” chika ng aktres.

Aminado naman ang dalawang bida ng “Hanggang Kailan” na magkahalong kaba at excitement ang kanilang nararamdaman ngayon, “I’m very excited to finally show everyone what we’ve been working on for almost two months. Sana magustuhan talaga ng moviegoers ang Hanggang Kailan.”

Gagampanan nina Xian at Louise ang mga karakter nina Donnie at Kath, magkasintahang nagdiriwang ng kanilang ikalawang anibersaryo. Ngunit sa kabila ng kanilang pagmamahalan, napagkasunduan nilang tapusin na ang kanilang relasyon.

Bago tuluyang maghiwalay, kumuha ng ilang araw na bakasyon ang dalawa sa Saga, Japan. Sa gitna ng magagandang tanawin, may mga bagong alaalang mabubuo, may mga pusong madudurog. At noon pa man, alam nilang mangyayari ito.

Showing na sa Feb. 6 ang “Hanggang Kailan”, mula sa Viva Films, BluArt Productions at XL8. Ito’y sa direksyon ni Bona Fajardo.

Read more...