2,812 barangay posibleng makaranas ng pagbaha, landslide dahil sa LPA- NDRRMC

NAGBABALA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council na posibleng makaranas ang 2,812 barangay sa Luzon, Visayas, at Mindanao ng mga pagbaha at landslide sakaling tumama sa lupa ang low-pressure area na nasa silangan ng Caraga region

Inilabas ang baba matapos naman ang landslide na idinulot ng walang tigil na pag-ulan nang manalasa ang bagyong Usman noong Disyembre kung saan umabot sa 120 katao ang nasawi, na karamihan pawang taga-Bicol. 

Umabot din sa 160 ang nasawi sa landslide sa Itogon, Benguet, at Naga City, Cebu. 

Pumasok ang LPA sa Philippine Area of Responsibility ganap na alas-10 ng umaga ng Sabado at namonitor sa 860 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, ganap na alas-11 ng umaga.

Kabilang sa mga apektadong barangay ay 1,831 sa Eastern Visayas, 730 sa Caraga, 114 sa Bicol, 101 sa Northern Mindanao, 11 sa MIMAROPA, 10 isa Western Visayas, apat sa Southern Mindanao, at dalawa sa Calabarzon, ayon kay NDRRMC executive director Ricardo Jalad, base sa impormasyon mula sa Mines and Geosciences Bureau.

“Local government units in these areas are advised to closely monitor rainfall and immediately initiate pre-emptive evacuation when necessary,” sabi ni Jalad. 

Mining is also discouraged, and small-scale miners are advised to stay on safe grounds, he said.

“The LPA may make landfall over Caraga, and is expected to bring moderate to heavy rains over the region, as well as Compostela Valley province, and Davao Oriental, before crossing over to Eastern and Central Visayas while also affecting Bicol, the southern part of Quezon, Mindoro, Marinduque, and Romblon,” ayon pa kay Jalad.

Tatawagin ang LPA na Amang sakaling maging ganap na bagyo.

“It may weaken into a low-pressure area again while crossing land, but even so, the public is being cautioned that hazards of flooding and landslides due to heavy rainfall will still persist,” sabi pa ni Jalad.

Read more...