LQ sa motor: bebot lumundag, patay

NASAWI ang isang 19-anyos na babae sa Santa Cruz, Laguna, matapos umanong lumundag mula sa motorsiklong minamaneho ng kanyang nobyo habang sila’y nagtatalo, Sabado ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi bilang si Michele Tica, service crew ng isang kilalang fast food chain, ayon sa ulat ng Laguna provincial police.

Naganap ang insidente sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Patimbao, dakong ala-1.

Minamaneho noon ng 19-anyos na si Julius Timoty Taiño, katrabaho at nobyo ni Tica, ang motor mula Pagsanjan patungong Patimbao, para ihatid ang babae.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nagtatalo ang dalawa, nang biglang lumundag si Tica mula sa motor.

Agad ihininto ni Taiño ang sasakyan at isinugod ang nobya sa Polymedic Hospital, pero idineklarang patay ng doktor ang dalaga. 

Read more...