Pacquiao kampeon pa rin

MATAGUMPAY na naidepensa ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang hawak na World Boxing Association (WBA) welterweight title kontra Adrien Broner sa pamamagitan ng unanimous decision win Linggo ng umaga (PH time) sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.

Nakuha ni Pacquiao ang panalo sa mga iskor na 119-111, 116-112 at 116-112 mula sa tatlong hurado.

Bunga ng panalo, umangat ang kartada ni Pacquiao sa 61-7-2 record.

Mayroon naman ngayon si Broner na 33-4-1 karta.

Bagamat walang naitalang knockdown, bumitaw si Pacquiao ng matitinding suntok sa laban. Nagawa niyang yanigin si Broner sa ikapito at ikasiyam na round gamit ang kaliwang suntok.

 

Read more...