Ika-6 Na Utos ng GMA 7 gumagawa ng ingay sa Ecuador

SUNSHINE DIZON AT RYZA CENON

Sikat na sikat ngayon sa bansang Ecuador ang GMA Afternoon Prime drama series na Ika-6 Na Utos.

Matapos ngang gumawa ng ingay dito sa Pilipinas, tinututukan naman ngayon ng mga viewers sa Latin American country ang bugbugan, sabunutan at iba pang “fight scenes” nina Emma (Sunshine Dizon) at Georgia (Ryza Cenon) para ipaglaban ang pagmamahal nila kay Rome (Gabby Concepcion).

Napapanood ngayon sa Oromar Television ang Ika-6 Na Utos na may alternate title na Dulce Venganza (Sweet Revenge).

Kung nais n’yong mapanood ang mga hindi malilimutang sampalan at sapakan scenes sa pagitan nina Emma at Georgia na dubbed sa Spanish, go lang kayo sa GMA online.

Read more...