Maine nominado sa Best Comedy Performance By A Guest ng ‘2019 Sunday Pinasaya Awards’

MAINE MENDOZA

NOMINATED si Maine Mendoza sa Sunday PinaSaya Awards sa kategoryang Best Comedy Performance by A Guest.

Kaya naman ang loyal fans ng Phenomenal Star, nanawagan sa lahat na iboto ang kanilang idolo.

Para iboto si Meng, bisitahin ang Sunday PinaSaya Facebook. “One like is equal to one vote,” paalala ng isang supporter ni Maine.

Anyway, ngayong gabi na mapapanood ang nakakakiliting eksena nina Maine at Ruru Madrid sa isa na namang exciting episode ng Daddy’s Gurl. Naglabasan na ang ilang photos ng dalawa na kuha sa taping ng nasabing DG episode. Dito makikita ang nakahubad na si Ruru kasama si Maine na tila nakulong sa loob ng isang elevator.

Sa isang tweet naman ng fan ng Dubsmash Queen, dadalo raw si Meng sa Sinulog Festival celebration kasama ang ilang Eat Bulaga Dabarkads ngayong Sunday.

Naku, siguradong matutuwa ang mga Cebuanong fans ni Meng dahil magkakaroon sila ng chance na makita up close and personal ang dalaga sa annual celebration ng Sinulog.

Read more...