Barbecue stall inararo ng kotse; 1 patay, 4 sugatan

ISANG matandang babae ang nasawi at di bababa sa apat pa katao, na kinabibilangan ng ilang bata, ang nasugatan nang araruhin ng kotse ang isang barbecue stall at mga tao’t sasakyang nakapalibot dito, sa Natividad, Pangasinan, Huwebes.

Di bababa sa limang tao ang dinala sa pagamutan, pero di na umabot nang buhay si Merlita Acosta, 70, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.

Kabilang sa mga nilulunasan pa ang isang 10-anyos na batang babae at pinsan nitong 1 taong gulang.

Naganap ang insidente pasado alas-2, sa bahagi ng provincial road na nasa Brgy. San Miguel.

Minamaneho ni Roberto Romero, 68, ang Toyota Corolla (TRB-412) patungong hilaga, nang masalpok ang barbecue stall, mga nakapaligid na tao, at isang tricycle.

Read more...