PINAGHAHANAP ngayon ang isang lalaking taga-Rizal, Cagayan, matapos itong ireklamo ng panghahalay ng isang 7-anyos na batang lalaki.
Naganap ang insidente noong gabi ng Enero 11, ngunit nitong Martes lang nai-report sa lokal na pulisya, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police.
Sinabi sa pulisya ng bata na naliligo siya sa banyo nang biglang pumasok ang suspek, hinawakan ang kanyang mga kamay, siya’y pinatuwad, at doon na nito ginawa ang masamang balak.
Binantaan pa umano ng suspek ang bata na papatayin ito kung magsusumbong, bago tumakas, ayon sa pulisya.
Sinampahan na ang suspek ng kasong rape in relation to child abuse sa piskal.
MOST READ
LATEST STORIES