Angeline nag-perform sa Malacañang para sa 2 pangulo

NABIGYAN ng pagkakataon si Angeline Quinto na makapag-perform sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng pangulo ng Sri Lanka na si Maithripala Sirisena.

Isa si Angeline sa mga naging espesyal na bisita sa nasabing event para sa pagbisita ng Sri Lankan leader sa Malacañang.

Nasa bansa ngayon si President Maithripala Sirisena para sa kanyang state visit.

Nag-post si Angeline ng ilang litrato na kuha sa nasabing pagtitipon.

“It was truly an honor performing for our President and the President of Sri Lanka. Ito po ay isa na namang magandang pagkakataon to share our Filipino talents para po sa ating mga bisita mula sa ibang bansa. #ThankyouLordforeverything,” ang caption ng Kapamilya singer sa kanyang IG post.

Read more...