NIYANIG ng magnitude 3.5 lindol ang Guimaras kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:16 ng umaga. Ang epicenter nito ay anim na kilometro sa kanluran ng Sibunog at may lalim na 13 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa San Joaquino, Iloilo, at La Carlota City sa Negros Occidental.
Intensity I naman sa Bago City, Negros Occidental.
MOST READ
LATEST STORIES