Julia ibinuking ni Joshua, hindi nagsusuot ng bra: Wala rin naman kasing kakapitan!

JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

Cute ang paliwanagan nina Julia Barretto at Joshua Garcia about the former’s daring outfit.

“Ito si Julia, hindi siya nag-iingat minsan sa susuotin niya. ‘Yan, tulad ngayon, bumababa na ‘yung ano niya (dress). Minsan wala pa siyang cycling (shorts). Minsan hindi siya nag-aano, nipple tape lang ang nilalagay niya, hindi siya nagba-bra,” chika ni Joshua kay Boy Abunda.

“So, naba-bother ka?” Boy asked. “Oo, tito Boy, isang ganoon lang ‘yan wala na,” say ni Joshua.

“Ako naman tito Boy, bilang babae, maiintindihan ng babae iyan. Hindi talaga komportable na magsuot ng bra. Ako naman din walang kakapitan ang bra. So, mas masakit talaga. Nagta-try naman ang bra ko, eh, pero wala talaga siyang makapitan,” say ni Julia na ikinatawa ng audience.

“Naintindihan naman niya siguro ‘yun kasi two years na kami at two years na akong explain nang explain. ‘Yung cycling (shorts) naman, hindi talaga siya komportable din. Natutunan ko ding mag-cycling dahil sa kanya din.

“At saka ‘yung mga outfit ko, dito ako komportable, dito ako confident. Balanse naman ako. Sometimes sexy, minsan naman conservative,” paliwanag ng bida ng Ngayon At Kailanman na magtatapos na today.

Sa nakaraang episode ay kinidnap ni Oliver (Jameson Blake) si Eva (Julia). Maghaharap na rin sina Rebecca (Iza Calzado) at Stella (Alice Dixson).

Read more...