Nakakaloka naman ang tsikang kapag daw magandang babae ang gustong pumunta at magpa-picture sa dugout ng isang hunk actor na naglalaro rin sa mga paliga ng basketball ay wala nang tanong-tanong pa, yes agad ang kanyang sagot.
Pero kapag ordinary fans lang na nagtitiyaga talagang maghintay sa kanya para magpa-selfie, parang lagi itong nagmamadali at sa ibang exit pa lumalabas para maiwasan ang mga fans naghihintay sa kanya.
Ayon sa isang friend natin, may experience din ang kanyang kapatid na sobrang fan ni hunk actor, parang gusto na naming maniwala. Beki ang kapatid ng aming friend na super disappointed siya sa inasal ni hunk actor. Kitang-kita kasi niya na pinapasok agad nito ang magagandang babae sa dugout, habang silang mga beki ay – NGANGA!