Beking male singer na mahilig sa callboy wanted sa mga bugaw

 

ALAM kaya ng isang kilalang male singer na palagi siyang pinagpipistahan sa mga umpukan ng mga becki? Kapag tungkol na sa patagong paghada ng mga kalalakihan ang pinag-uusapan ay siya ang palaging starring.

At nakakahiya ang isyung ibinabato sa kanya, ang pag-iiwan ng balanse sa mga Boogie Wonderland (read: pimp, bugaling) na kinokontak niya, palagi siyang may iniiwang utang sa mga ito.

Madatung naman ang male singer, marami siyang raket, mabenta siya sa mga shows pero bakit kaya napapabalitang hindi siya nagbabayad nang buo?

Kuwento ng aming source, “Bakit nga ba ganu’n palagi ang ikot ng mga kuwento tungkol sa kanya? Ilang umpukan na ang naringgan ko tungkol du’n. Gegetlak siya ng mhin, pero nag-iiwan siya ng balance sa kino-contact niyang kasador?

“Nakakahiya! Naturingang mabenta siyang performer, tapos, ganyan? Palagi siyang sinisingil ng mga Boogie Wonderland,” simulang chika ng aming impormante.

Nu’ng minsan kunong mag-show sa isang probinsiya ang male singer ay nakita niya ang isang pamilyar na mukha ng isang guwapong lalaki sa audience. Natatandaan niya, nagbigayan sila ng cellphone number, kaya pagkatapos ng kanyang show ay tinawagan niya ang mhin.

“Ang sabi niya, ‘Nandito ka pala, hindi ka man lang nagpaparamdam. May gagawin ka ba tonight?’

Niyayaya niya ang mhin sa kanyang hotel room.

“Ang sagot sa kanya ng mhin, ‘Bayaran mo muna ang balance mo. Ang tagal-tagal na nu’n!’ Pagkatapos nu’n, napipi na si male singer, hindi na siya sumagot sa text ng guwapong lalaking minsan na niyang nakasabay sa paglipad sa langit ng kaligayahan.

“Magkano lang ba naman ang pagkakautang niya, maliit lang, pero kung bakit nakahiligan niya talaga ang pag-iiwan ng balance kapag kumukuha siya ng mhinchang!

“Hindi kaya niya alam na parang apoy na kumakalat ang mga ganu’ng kuwento? Nag-uusap-usap ang mga dyugaling, nagko-compare notes sila, nakakahiya ang mga kuwento tungkol sa kanya!” napapailing pang kuwento ng chikadora naming source.

Nakow, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo siya, kaya siguradong wala kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang masyohong basurahan.

Read more...